4, Patay; 11, Sugatan sa Magkasunod na Pagsabog

COTABATO CITY – APAT katao ang patay sa pagsabog ng granada sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, kahapon.

Batay sa report ng mga kinauukulan, dead on the spot ang isang Hilario Villaflor, 60-anyos, dahil sa tindi ng kanyang tama. Kabilang pa sa mga nasawi sa pagsabog ay sina Eric John Quirol, 12; John Loyd Anza, 8; at Isidro Awa, 42. Habang ang mga sugatan naman ay kinilalang sina Roda Mae Madrigal, 19; Isidro Awa Jr., 14; Fransbet Quirol Anza, 8; Dina Madrigal Garcia, 57; Sofia Quirol Anza, 5; Marvin Mondia, 22; Haydee Paracuelles, 12; Lowie Baran, 23; at Wrget Baran, 3; pawang mga residente ng Barangay Nalin 1, Midsayap.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nangyari ang pagsabog sa Brgy. Nalin 1 sa bayan ng Midsayap, pasado alas-7:30 ng gabi. Sinasabing lulan ng motorsiklo ang mga suspek na naghagis ng granada.

Namatay sa ospital ang tatlo pang biktima habang ginagamot naman ang siyam na iba pang sugatan, ayon kay Eastern Mindanao Command spokesman Col. Leopoldo Galon.

Samantala, nagpapa-tuloy rin ang pagsisiyasat  ng Tacurong City PNP sa nangyaring pagsabog ng granada alas-9:33 kahapon sa harap ng bakod ng New Isabela National High School sa Purok Sampaguita, New Isabela ng naturang lungsod.

Ayon kay SPO4 Jerry Gabarlan ng Tacurong City PNP na dalawa ang sugatan sa nasabing pagsabog na kinilalang sina Glen Meterio, 31, isang guwardiya; at Ricky Casador, 41, na isang by-stander.

Ayon kay Gabarlan, agad na dinala sa Sandig Hospital sa lungsod ng Tacurong ang mga biktima na nagtamo lamang ng minor injuries.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Tacurong City PNP, nabatid na lulan ng pulang Yamaha motorcycle ang naghagis ng granada.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga kinauukulan ang motibo ng nasabing pagpapasabog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.