4 Padyak Boys, Timbog sa Pot Session

 

APAT NA padyak boys ang dinakip makaraang maaktuhang nagdo-droga sa isang pasugalan kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang mga dinakip na sina Franco Abdula, 28 anyos ng Sapang Palay, Balikawan; Jessie Akmar alyas “Bato”, 34 anyos; Dina Esmail; at Jerry Remolo.

Sinasabing isang tip ang natanggap ng PDEA Region 9 hinggil sa aktibidad ng apat kaya naman tinugaygayan ang mga ito.

Nakumpiska sa kanilang posesyon ang mga sachet kung saan may lamang pulbos na kemikal na pinaniniwalaang Shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.

Itinanggi naman ang apat na nagtutulak sila ng droga. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.