4 Opisyal ng USS Guardian, Sinibak

SINIBAK SA puwesto ng US Navy ang apat na opisyal ng USS Guardian na sumadsad sa Tubbataha Reef.

Ayon sa U.S. Pacific Fleet, lumabas sa inisyal na pagsisiyasat na nabigo ang apat na opisyal na sumunod sa standard navigation procedures noong Enero 17 nang sumadsad ang US minesweeper sa nasabing heritage site.

Ni-relieve sa kanilang tungkulin ang commanding officer, executive officer at navigator, assistant navigator at officer of the deck ng USS Guardian at itinalaga sa ibang puwesto.

Marso 30 lamang nang tuluyang matanggal ang US Navy ship matapos pagpira-pirasuhin.

Sa ngayon, nahaharap sa $2 milyong multa ang Amerika sa nangyaring pagkabahura ng barko na naminsala ng hindi bababa sa 4,000 metro kwadrado ng coral reef, ayon sa paunang taya ng pamunuan ng Tubbataha National Marine Park.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.