4 na Suspek sa Pagpatay sa Ginang, Dakip na

NADAKIP NA ang apat na suspek sa pagbaril at pagpatay sa ginang noong nakaraang linggo sa Malabon City matapos matunton ang pinagtataguan ng mga una sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Crisanto Mendoza; Alvin Tolentino; Emmanuel Ocampo at Mark Tolentino, pawang nasa mga hustong gulang at mga residente ng Caloocan City.

Lumalabas na noong Hunyo 21, 2012, alas-9:30 ng gabi, isa sa mga suspek ang bumaril sa biktimang si Erlinda Sta. Maria, 39 ng Tumares St., Tugatog, Malabon City habang ang una ay nasa tapat ng Tugatog Elementary School.

Dinala ang biktima sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon subalit hindi na umabot ng buhay dahil sa tama ng bala sa balikat at leeg habang tumakas ang mga suspek.

Kamakalawa ay natunton ng mga pulis ang pinagtataguan ng mga suspek sa Sta. Monica, Novaliches, Quezon City na naging dahilan upang madakip, kung saan nakuhanan pa ng mga Shabu.

Inaalam na kung ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.