4 na Reporter, Patay; 7 Nawawala sa Hagupit ni Yolanda

HINDI NAKAIWAS ang mga mamamahayag sa hagupit ng super typhoon Yolanda.

Sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na apat ang naireport na nasawi kabilang sina: Archia Globio – DyBR-Tacloban reporter, Malou Realino – DyBR-Tacloban reporter, Allan Medina – dyVL Aksyon Radyo Tacloban at Ronald Vinas – dyVL Aksyon Radyo Tacloban.

Binawian ng buhay si Vinas kasama ang dalawang kaanak ng isa pang tauhan ng istasyon.

Sa ngayon, hindi pa rin marekober ang bangkay ng nasabing biktima.

Bukod sa mga nasawi, pito pa ang nawawalang mamamahayag.

Kinilala naman ang mga nawawalang biktima na sina: Sarwell Meniano – Leyte-Samar Daily Express reporter and BusinessWorld correspondent, Tacloban City, Jasmine Bonifacio – Radyo Diwa reporter, Tacloban City, Benjamin “Ben” Veridiano – GMA 7 Stringer, Barangay Kaiba-an, Tacloban City, Babay Jaca – DyBR-Tacloban, Lulu Palencia – DyBR-Tacloban, Jun Estoya – DyBR-Tacloban at unnamed technician – DyBR-Tacloban.

Samantala, nagpapa-tuloy pa rin ang pag-uulat ng lokal at international media mula Leyte at iba pang lugar na pininsala ng kalamidad sa Kabisayaan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.