4 na Rebelde, Patay sa Bakbakan

APAT NA MIYEMBRO ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa sagupaan sa tropa ng pamahalaan sa Baggao, Cagayan, kahapon ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Army, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang maganap ang bakbakan sa Sitio Barangay sa Barangay San Miguel.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng military hinggil sa presensya ng mga rebelde sa lugar at na-ngongotong ang mga ito sa mga residente.

Rumesponde ang mga rebelde sa lugar na nagresulta sa 10 minutong bakbakan.

Apat sa mga rebelde ang nasawi habang narekober sa lugar ang dalawang M16 rifles, isang shotgun at mga subersibong dokumento.

Dalawang hindi pa kinilalang sibilyan naman ang tinamaan ng ligaw na bala.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.