4 na Pulis-Caloocan, Kakasuhan ng Police Brutality

APAT NA operatiba ng Caloocan City Police Station ang nakatakdang sampahan ng kasong Police0 Brutality makaraang  hatawin ng tubo sa tuhod at paluin ng baril sa ulo ang isang 30-anyos na lalaki na umano’y kanilang nadakip dahil sa kasong drugs sa lungsod na ito nitong nakaraang Miyerkules.

Ayon kay Wilfredo Cerna, ama ni Wilgen Cerna, 30, ng No. 54 GSIS Village Barangay 164, Talipapa, Caloocan City, sa Camp Crame niya isasampa ang kaso laban kina PO3 Jay Pacis, PO3 Bong Modina, PO2 Joel  Rosales at PO2 Juan Santos, mga nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group ng Caloocan Police Station.

Aniya, hindi makatayo ang kanyang anak na ngayon ay nakakulong sa Jail Management Section, matapos hatawin ng tubo sa magkabilang tuhod ng apat na pulis.

May dalawang malalim na sugat sa ulo si Wilgen na umano’y pinalo rin ng grupo ni Pacis ng armalite.

Magugunita na hinuli ng grupo ni Pacis si Wilgen malapit sa kanilang bahay habang nagka-cara y cruz.

Giit ni Mang Wilfredo, tinaniman ng ebidensiya ang kanyang anak dahil wala namang nakuhang Shabu ang mga pulis kay Wilgen.

Gayunpaman, kinasuhan nina Pacis ng Section 5 (Sell of Dangerous Drugs) at Sec 11 (Possession of Illegal Drugs) ang kanyang anak.

“Kung talagang may kasalana po dapat ikulong na lang nila at hindi ‘yung sasaktan,” ani Wilfredo.

Samantala, dudulog sa Tulfo Brothers si Wilfredo  para humingi ng legal assistance.

“Hindi na po ako nata-takot kasi nasa katuwiran kami. Hindi mauubos ang mga abusadong pulis kapag nanahimik lang kami sa isang tabi,” pagtatapos ni Mang Wilfredo.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.