4 na presong bading, tumakas sa presinto sa Iloilo

PATULOY NA pinagha-hanap ng mga pulis ang apat na bilanggo matapos tumakas sa Guimbal Municipal Police Station sa lalawigan ng Iloilo.

Sa ulat ng Bombo Radyo, ayon kay PO2 Dionie Chenda ng Guimbal-Philippine National Police, dakong alas-5:45 kahapon ng umaga nang matuklasan na wala na ang apat na preso matapos mabuksan ng mga ito ang kandado ng kanilang selda.

Pawang nahaharap sa kasong Robbery ng mga tumakas at pawang mga bading na naaresto ng mga pulis matapos matuklasan ang kani-lang modus operandi bilang mga akyat-bahay.

Nasa asilidad din ng Bureau of Jail Management and Penology ang selda na kinaroroonan ng tumakas na mga preso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.