4 na paslit, sugatan sa granada

 

APAT KATAO ANG sugatan makaraang sumabog ang bala para sa M203 grenade launcher sa bayan ng San Andres, Quezon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Arcenio Lucentes, 11 anyos; Rommel Lusintesm 10 anyos; Ariel Butal, 15 anyos; at isang Aper Dela Cruz, 11 anyos, pawang residente ng Sitio Dau, Barangay Talisay.

Nabatid na noong alas 12:00 ng tanghali kamakalawa ay naglalaro ang mga biktima sa isang tiwangwang na lugar kung saan nakita ang nasabing mga bala.

Dito ay pinaglaruan ng mga biktima ang bala at sa paghagis sa mga ito ay nag-init saka sumabog.

Naisugod naman sa Quezon Medical Center ang mga biktima.

Sa imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, ang nasabing bala ay  ginamit ng mga rebelde noong October 2010 nang uma-take ito sa militar. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “4 na paslit, sugatan sa granada

  1. Pingback: 4 na paslit, sugatan sa granada - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.