4 na Pamangkin, Patay sa Nag-amok na Retired Army

NAHAHARAP SA kasong murder at frustrated murder ang isang retired army na nag-amok na nagresulta sa pagkamatay ng kanyang apat na pamangkin sa bayan ng Pontevedra, lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon kay SPO3 Rafael Rio ng Pontevedra PNP, inihahanda na nila ang kasong four counts of murder at one count of frustrated murder laban kay ret. S/Sgt. Nestor Estrellanes, 52, dating naka-assign sa 39th Infantry Battalion sa Mindanao.

Una rito, walang habas na binaril nito ang kanyang apat na pamangkin kamakailan sa lamay ng kanyang pinsan sa Brgy.Gen. Malvar, Pontevedra matapos magkainitan sa laro.

Ang mga nasawi ay sina Rudy Genton, 56; Dominador Genton, 58; Rex Jun Palacios, 41; at Reynaldo Amable, 58.

Samantala, sugatan naman si Dominador Generoso matapos na tamaan ng bala ng kanyang .45 caliber pistol.

Sinasabing lasing ang suspek noong ginawa ang pamamaril makaraang ang pagtatalo nila ng isa sa mga biktima na si Rudy.

Dalawa naman sa mga biktima ay anak ng kanilang nilalamayan na si Felipa Genton. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.