4 na Oragon, Kulong sa Panghihipo

SWAK SA KULUNGAN ang apat na Bicolano construction worker makaraang ireklamo ng 17-anyos na dalagita ng panghihipo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ni SP04 Alex Vergara, ng Caloocan City Police ang mga suspek na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 sa Caloocan City Prosecutors Office sina Melchor Lauta, 42, may-asawa; Gladisor Lorgonio, 25; may-asawa; Rey Santillan, 23, binata; at Raiel Lorgonio, 21, binata, pawang stay-in construction wokers ng Antonio Yao Construction (AYC) na matatagpuan sa Ilang-Ilang St., 10th Ave., Caloocan City at mga tubong-Bicol, Albay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa construction site ng naturang lugar.

Ayon sa reklamo ni Nena (di-tunay na pangalan), 17, naglalakad siya sa nasabing lugar nang bigla na lamang siyang lapitan ng isa sa mga suspek saka sumunod ang tatlo pa at halinihinang pinaghihipuan sa ma-

seselang bahagi ng kanyang katawan.

Matapos nito, nagawang makatakbo ng biktima at humingi ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.