4 na Nene, Dinaliri ng Manyak

BALIUAG, BULACAN – KALABOSO ngayon ang isang trabahador ng Baliuag Water District, makaraang magkakasabay na dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng apat na batang babae upang ipagharap ng reklamo ang isang lalaki na umano’y gumahasa at nangmolestya sa mga biktima sa Brgy. Sabang sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na tinanggap ni P/SSupt. Fernando Villanueva, PNP Provincial Director, na ipinadala sa tanggapan ni P/Chief Supt. Alan La Madrid Purisima, PNP Regional Director, kinilala ang dinakip na suspek na si Severino Deleon alayas Beno, nasa hustong gulang, kawani ng BWD, at residente sa nabangit na barangay, habang ang mga biktima naman ay itinago sa mga pangalang Brenda, 9; Joyce, 9; Lhea, 9; at Mhina, 10.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Charito Deleon at PO1 George Jay Cruz, dakong alas-10:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek, habang masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kapit-bahay.

Ayon sa mga sinum-paang salaysay ng mga biktima, naganap ang unang pang-aabuso sa kanila nito lamang buwan ng Nobyembre, at huling pangmomolestiya Dis-yembre 8 ng taong kasalukuyan sa loob ng bahay ng suspek.

Nabatid kay Lhea, na hindi agad sila nakapagsumbong sa kanilang mga magulang dahil sa bantang papatayin sila ng suspek, kaya inilihim nila ito, aniya papauwi na si-lang magkakaibigan mula sa eskuwelahan, nang yayain sila ng suspek, na mag-meriyenda muna ang mga ito sa loob ng kanyang tahanan, na agad namang pinaunlakan ng mga biktima, dahil na rin sa tiwala ang mga ito bilang kapit-bahay. Subalit laking gulat ng magkakaibigan nang bigla na lamang umanong ikandado ng suspek ang pinto ng kanyang bahay.

Aniya, dito na sinimulang hawakan ng malibog na suspek ang maseselang bahagi ng kanilang mga katawan, hindi pa ito nasiyahan pilit pang umanong ipinasok ang daliri nito sa kanilang mga ari habang binalaan ang mga ito na ‘wag magsusumbong kahit kanino dahil papatayin sila ni Beno.

Nagpupuyos naman sa galit ang mga magulang ng mga bata sa nadakip na suspek, kung saan panay mura ang inabot nito mula sa mga nanay at tatay ng mga biktima.

Samantala, nahaharap ngayon sa kasong Rape, Act of Lasciviousness in Relation to Republic Act 7610 known as Child Abuse Law.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.