4 na Miyembro ng Osamiz Robbery Hold-Up Group, Timbog

NADAKIP NA ng pinagsanib na puwersa ng Meycauayan City PNP, SWAT at ng Provincial Intellegence Branch ng Laguna at Cavite ang apat katao kabilang ang isang babae na umano’y meiembro ng “Osamiz Robbery Hold-Up Group na responsable sa sunud-sunod na robbery hold-up sa Bulacan, Laguna, Cavite at NCR.

Sa report na ipinalabas ni P/Supt. Sidney Villaflor, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Pepito Lago, Sr., 56; Jayua Lago, 23, kapwa tubong Causuagan, Cagayan de Oro; Harry Maasin, 46, construction worker, tubong San Miguel, Zamboanga del Sur; at June William Naguita, 24, ng Cagayan de Oro; habang nakatakas naman ang lider ng grupo na si Wilfredo Panogalinga, Jr. alyas Kulot at alyas Kambal.

Base sa inisyal na impormasyon na natanggap ni P/Sr. Inspector Leo Estorque Jr. at P/Inspector June Tabigo-on. natagpuan na ng mga awtoridad ang safehouse ng mga suspek sa Blk-22, Lot 35, Maingat St., Katapatan Subd., Brgy. Banay-banay, Cabuyao, Laguna.

Nabatid na natukoy ang safehouse ng mga suspek sa pamamagitan ng gamit nilang kulay itim na Xtrail na may plakang XPM-392, na nakita sa CCTV camera sa kanilang mga trabaho sa lungsod na ito.

Kung saan huli nilang nabiktima sina Airene Aspiras-Quidasol, 51 anyos na isang private school teacher at asawa nitong si Rodelio Quidasol, 56, na isang OFW na tubong Rizal, Nueva Ecija, at residente ng Brgy. Frenza, Marilao, Bulacan nito lamang Mayo 21, 2013 ganap na ala-1:00 ng hapon sa Brgy. Pandayan.

Nadiskubre rin na isa sa mga modus ng mga suspek ang paggamit sa mga batang nasa edad 10 taong gulang pababa na isinasakay sa naturang sasakyan upang hindi masita sa mga checkpoint ng PNP sa tuwing sila ay magtatrabaho, habang  nagpapanggap namang kliyente ng bangko ang suspek na babae na nagtitimbre sa kanyang grupo.

Nakumpiska mula sa safehouse ang isang cal. 45, Xtrail na sasakyan, BDO passbook at isang iPhone 4s na pag-aari ng kanilang nabiktima na si Jerry Mabanag na naganap rin sa siyudad ng Meycauayan.

Samantala, patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang lider ng grupo na si alyas Kulot na convicted sa kasong paglabag sa Republic Act 8294 sa Osamiz Regional Trail Court.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.