4 na miyembro ng ‘Pikit gang’ huli, 1 nakatakas

SWAK SA KULUNGAN ang apat na kilabot na holdaper na miyembro ng ‘Pikit Gang’ habang nakatakas ang isa pa na responsable sa panghoholdap sa mga pampasaherong jeep sa Kamaynilaan matapos mambiktima sa Caloocan City kahapon ng hatinggabi.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Alexander Alvarez, 40 ng lungsod; Renato de Guzman, 32, ng Quezon City; Jose Mendoza, 41 at Alvin John Pozon, 31 kapwa ng Manila; habang nakatakas ang kasamang si Rey Gonzales, nasa hustong gulang.

Samantala, hinuli naman si Beth Blanco, 50, ng Simon St., Sampaloc, Manila na itinuturong taga-bili ng mga nakulimbat ng mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:10 ng hatinggabi sakay ang biktimang sina Maxima Penaflor, 36; at Rennie Jay Ronquillo, 22, habang nagkunwaring pasahero rin ang iba pang suspek sa pampasaherong jeep (PVJ) kasabwat ang driver.

Pagsapit sa EDSA ng nabanggit na lungsod ay naglabas ng baril, patalim at granada ang mga suspek sabay deklara ng holdap saka isa-isang kinulimbat ang mga gamit ng mga biktima.

Tiyempo namang nadaanan ng mga nagpapatrolyang pulis at napansin ang kaguluhan sa loob ng jeep at dito agad na nirespondehan na nagresulta sa pagkakadakip sa natu-rang grupo.

Dito, inginuso ng mga suspek si Blanco na siyang kanilang binabagsakan at binibili ang kanilang mga nakulimbat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.