4 na menor de edad na akyat-bahay, tiklo

MEYCAUAYAN CITY – APAT na menor de edad ang ina-resto ng mga awtoridad, matapos akyatin ang bahay ng isang negosyante sa Brgy. Camalig sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Eric Noble, kay PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang biktimang si Hanibal Bayona, nasa hustong gulang; samantalang ang mga suspek naman ay itinago sa pangalang Jun-jun, 12; Harvy, 11; Bam-bam, 13; at Errol, 12 kapwa residente ng Brgy. Bahay-Pari sa nabanggit na siyudad.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Inspector Estorque, ganap na alas-4 ng hapon nang pasukin ng mga batang suspek ang bahay ng biktima,kung saan tinangay ng mga menor de edad ang mahahalagang gamit, kabilang na ang gas stove at water pump.

Nahuli ang mga suspek nang aksidenteng mapagbentahan ng mga suspek ang isang pulis, na nagpanggap na buyer. Nakum-piska mula sa apat ang ilang mahahalagang gamit.

Detenido ngayon ang mga suspek sa tanggapan ng City Social Welfare Development Office.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.