4 na Magsasaka, Tinamaan ng Kidlat

HINDI PA nagkakamalay sa Gov. Roque Ablan, Sr. Memorial Hospital ang isa sa mga apat na magsasakang tinamaan ng kidlat habang sila’y nasa bukirin ng Brgy. Sagpatan, Dingras, Ilocos Norte kamakailan.

Ang isa sa mga biktima ay nakilalang si Edgar Palanggoy, residente sa nasabing lugar.

Ayon sa pinsan ng biktima na si Gng. Susan Calano, naganap ang  insidente nang papauwi na sana ang apat mula sa pagtatanim ng palay sa naturang lugar.

Sinabi pa ni Calano na sa lakas ng tama ng kidlat ay natumba ang apat sa kanilang kinatatayuan ngunit si Palanggoy ang pinakagrabe dahil agad siyang nawalan ng malay at nagtamo pa ng sugat sa likod ng kanyang ulo. Nasunog din ang kanyang dibdib at mga paa.

Samantala, kaagad namang isinugod si Palanggoy sa pagamutan ngunit hanggang sa ngayon ay nanatili pa ring walang malay at kritikal ang kondisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.