4 na Kawatan, Tiklo sa mga Tanod at Pulis

 

SWAK SA kulungan ang dalawa sa apat na suspek habang sa DSWD naman ang dalawa pa makaraang mahuli sa akto ng mga nagrorondang barangay tanod at pulis sa Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Mark Rivero kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Danila Estrada Y Magallanes, 21; Jeffrey Hilade Y Rustico 20; alyas Allan, 17; at alyas Jay, 15, kapwa residente sa nabangit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-5 ng umaga nang maaktuhan ang mga suspek habang hinihila ang mahigit sa isang daang metro ng cable ng telepono sa Sitio Hulo sa nabangit na lugar.

Nabatid na matagal na umanong inirereklamo ang mga nadakip na suspek dahil sa perhuwisyong dulot ng mga ito bunga ng madalas na pagnanakaw ng mga linya ng kuryente at telepono sa nabanggit na bayan.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Guiguinto Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.