4 na Katao, Timbog sa Pot Session

NASAKOTE NG mga awtoridad ang apat na katao, kabilang ang isang babae, habang humihitit ng droga sa bahay ng isang alyas Jorge sa Brgy. Mahabang Parang, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., PNP Provincial Director, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jessica Callaja, 22; Ronneth Javier, 24; Ehro Yulo, 22; at Renato Bernabe, 25, anyos, mga residente sa iba’t ibang bayan sa Bulacan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, nakatanggap umano sila ng tawag sa telepono mula sa isang hindi nagpakilalang concerned citizen, na may nagaganap na pagsinghot ng droga sa Ipil-Ipil St. sa nabangit na barangay.

Nabatid na nasa aktong  sumisinghot ng droga ang mga suspek nang abutan ang mga ito sa isang silid ng bahay, kung saan nakum-piska mula sa kanila ang iba’t ibang uri ng Shabu paraphernalia at ilang gramo ng Shabu.

Paglabag sa Republic Act 9165 ang kasong kinakaharap ng mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa Sta. Maria Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.