4 na katao, patay sa pamamaril

APAT NA katao, kabilang ang dalawang babae, ang napatay sa magkakahiwalay na kaso ng pamamaril sa lalawigan ng Bulacan.

Ang unang kaso ng pamamaril ay naganap sa Brgy. Malimpampang, San Ildefonso dakong alas-7 ng gabi. Kinilala ang biktimang si Carlito Diego, 52 anyos; samantalang ang suspek naman ay nakilalang si Reinier Reodica, 37-anyos, kapit-bahay ng biktima.

Nabatid na nasa isang inuman ang dalawa nang magkaroon umano ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril.

Ang ikalawang pamamaril naman ay naganap sa boundery ng Brgy. Sta. Ines at Brgy. Tartaro ganap na alas- 10:50 nang gabi sa National Road, Sitio Hilerang Mangga, Brgy. Sta. Ines, San Miguel. Kinilala ang nasawi na si Edgardo Santos, nasa hustong gulang, bagong laya sa kasong droga, at live-in partner nito na si Bernadeth Trinidad, 42 anyos, ng Zone 4, Brgy. Masalipit, sa bayang ito. Habang mabilis namang tumakas ang salarin lulan ng motorsiklong walang plaka na armado ng cal. 45.

Kasabay nito’y isang dalaga na nakilalang si Eloisa Mae Ygot, 29 anyos, ang pinagbabaril sa harap ng kanyang bahay sa Sitio Compra, Brgy. San Mateo sa bayan ng Norzagaray.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang barilin ng hindi nakilalang suspek ang biktima habang namamasada ng  tricycle at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis upang matukoy kung sino ang nasa likod ng mga naturang pamamaslang.

 (TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.