4 na Kabataan, Tiklo sa Pagnanakaw sa Bangko

HULI ANG apat na menor-de-edad matapos pasukin at pagnakawan ang bangko sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nasa Department of Social Welfare and Development na ang mga kabataang nasa edad 14 hanggang 16, pawang ng Camarin ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:10 ng umaga, sinira ng mga suspek ang bubong ng RCBC Savings Bank sa Susano Rd., Camarin na naging dahilan upang makapasok.

Kinuha ng mga suspek ang tatlong monitor at Lenovo laptop subalit lingid sa kanila ay umalarma sa main office ng RCBC sa Makati ang pagpasok ng mga una na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay nahuli sa loob ng bangko ang isa mga kabataan na naging dahilan upang ituro ang mga kasama.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang tatlo at nabawi ang mga ninakaw.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.