4 na Intsik, Tiklo sa Pagpapaputok ng Baril

KASONG ILLEGAL possession of firearms o paglabag sa R.A. 8294, ang kinaharap ng apat na Chinese nationals matapos magpaputok ng kanilang mga bitbit na baril sa mismong loob ng Northern Mindanao Practical Shooting Association (NMPSA) firing range sa Barangay Camama-an dito sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay S/Insp. Evan Binas, hepe ng Agora Police Station 3, kabilang sa kanilang mga kinasuhan ay sina Jason Limsoy Chang, 43; Qing Hui, 44; Tomy Kua Sy, 32; at Jake Co Shi, 35, na pawang residente ng Fujian, China.

Sinabi pa ni Binas na nagsasanay umano ng kanilang shooting skills ang mga foreign national sa firing range subalit wala umano itong naipakitang dokumento sa dala nilang mga baril.

Nakuha sa posisyon ng mga salarin ang isang .45 pistol ,9mm pistol at live ammunitions.

Nakatakdang dalhin ang mga suspek sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) Maharlika headquarters mula sa Agora Police Station 3, ani Binas.

Samantala, kinumpirma na rin ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) Northern Mindanao na walang kaukulang dokumentong nakuha mula sa kanilang tanggapan ang naturang mga dayuhan.

Ayon naman kay BID regional director Manny Neri na wala sa kanilang listahan ang pangalan ng mga nahuling Intsik.

Samantala, kasalukuyang nakikipag-coordinate ang BID sa tanggapan ng pulisya sa CDO.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.