4 na Holdaper, Nasabat

SWAK SA kulungan ang apat na hinihinalang kilabot na holdaper na pawang nambibiktima ng mga pampasaherong makaraang madakip ng pulis nang biktimahin ang isang pampasaherong jeep kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong Robbery-Hold Up ang mga suspek na sina Christopher Rosales, 23, binata; Alfredo Tamayo, 20, binata; Crispin Pesino, 33, binata; at Aries Legaspi, 34, binata, pawang mga resident eng Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng umaga nang maganap ang insidente sa C-3 Road, Caloocan City.

Kasalukuyang namamasada ang biktimang si Edgardo Junio, 49, may-asawa, driver, ng Interior Sakristiya St., San Agustin Malabon, at binabagtas ang naturang lugar nang parahin ito ng mga suspek at nagpanggap na pasahero.

Isa sa mga suspek ay sumakay sa unahan habang nasa likuran naman ang tatlo, pagsakay ay agad na tinutukan ng mga ito si Junio ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang suot ng relo ng biktima na nagkakahalaga ng P18,000 at perang P250. Isang pulis ang nakapansin na may gulong nagaganap sa loob ng jeep kung kaya’t agad na sinundan na nagresulta sa pagkakada-kip sa mga suspek.

Narekober sa mga ito ang apat na patalim at mga nakulimbat kay Junio.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.