4 na Heneral, Pinagpipilian Bilang Bagong AFP Chief

APAT NA pangalan ng heneral ang pinagpipilian bilang susunod na mamumuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ito’y kasunod sa napipintong pag-retiro sa serbisyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Jessie Dellosa.

Kabilang sa mga pa-ngalan ng heneral na pinagpipilian ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ay sina AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Noel Coballes; Philippine Army (PA) Commanding General Lt. Gen Emmanuel Bautista; Philippine Air Force (PAF) Commanding General Lt. Gen. Lauro Catalino Dela Cruz at Southern Luzon Command Commander Lt.Gen. Allan Luga.

Nabatid din na ang pinakamaugong na pa-ngalan na siyang papalit kay Gen. Dellosa ay si Lt. Gen Bautista na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1981 na siyang “mistah” ni PNP Chief of Police Director General Alan LM Purisima.

Samantala, nakatakda namang mag-retiro sa serbisyo si Dellosa sa darating na Enero 30 base sa kaniyang mandatory retirement.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.