4 na Granada, Iniwan sa Bangketa

NABULABOG ANG ilang residente matapos matagpuan ang bag na naglalaman ng apat na granada sa bangketa sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi, isang residente ang nakakita sa bag na iniwan sa bangketa sa Franville 5, Urduja ng lungsod na naging dahilan upang itawag sa pulis.

Nang respondehan at tingnan ang laman ay nakita ang apat na granada at agad na dinala sa Explosive Ordinance Disposal Unit.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nag-iwan ng mga granada sa nasabing lugar.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.