4 na ‘Goons’, Namigay ng Pera at Sample Ballot, kalaboso

APAT NA pinaghihina-laang goons ang naaresto ng Santander police na galing sa lalawigan ng Negros Oriental at nag-iikot sa mga bahay sa Barangay Talisay, bayan ng Santander at namimigay ng puting envelope na may lamang sample ballot at pera.

Natanggap ng mga kinauukulan ang nasabing reklamo matapos na may isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang tanggapan at nagsumbong na mayroong unidentified armed group sa kanilang lugar.

Dinakip ng mga pulis sina Arnel Porsada alyas Amos, 20; Arnel Dela Lina Estoque, 21; Rican Dakay Valliente, 23; at Glen Valiente Merlo alyas Boyet na nakatira sa probinsya ng Negros Oriental.

Nakuha mula sa kanila ang .45 caliber pistol, limang ammunition, isang hand grenade, 10 pakete ng shabu, isang plastic bag na may lamang envelope at maraming pera.

Samantala, pinaniniwalaang mga goons ito ng isang kandidato na tumatakbo sa naturang lugar.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.