4 na estudyante patay; 19 pa, sugatan MINI-BUS, NAGPASIRKO-SIRKO

APAT NA ESTUDYANTE ang namatay at 19 ang sugatan nang bumaliktad ang kanilang sinasakyang pampasaherong mini-bus kamakalawa ng tanghali sa Sitio Birao, Brgy. Dian-ay, Escalante City, Negros Occidental.

Kinilala ni Supt. Santiago Rapiz, Esca-lante police chief, ang mga namatay na sina Seikar Manlanat; Joven Gaudia; at Analyn Catubig, pawang nasa edad 16; at isang Noe Canete, 15-anyos ng Brgy, Bug-ang, Toboso, at mga mag-aaral ng Dian-ay High School sa lungsod ng Escalante.

Samantala, ang mga sugatan na dinala sa Alfredo Marañon Sr. District Hospital sa Brgy. Bato, Sagay City at St. Anne Medical Center sa Cadiz City at sa mga pagamutan sa Bacolod City ay sina Arnold Catubig; Eduardo Golez Jr.; Orlyn at Angelo Andales; Jay R Zarsuelo; Susana Sibulan; Ana Jomocan; Enriqueta Fajardo; Ramon Dada Jr.; Julie Pabalate; Neil Bryan Jison; Eizel Canete; Stephen Strada; Maria Mae Gregorio; Roland Catubig; Jaymar Marinde; Ailyn Lovero; Zacharias Abella; at Paul John Martinez.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-12:00 ng tanghali habang mabilis na binabagtas ng Cebro mini-bus na minamaneho ni Walter Yap, at may 34 na pasahero patungong Sagay City mula sa Brgy. Minapasok, Calatrava.

Nabatid na papaliko ang sasakyan pababa sa matarik na daan at iniwasan at mag-overtake sa isang sasakyan ng Department of Social Welfare and Deve-lopment (DSWD), at dahil sa bilis, hindi na muling nakabalik sa kanyang linya ang bus hanggang sa malaglag ito sa isang hukay sa gitna ng daan.

Ilang ulit na nagpabali-baliktad ang bus na naging sanhi upang tumilapon ang mga biktima, kung saan dalawa sa apat na namatay ay dead on the spot at ang dalawa sa mga sugatan ang nasa kritikal na kalagayan, samantalang wala namang tinamong sugat ang drayber na si Yap na kasalukuyang nakapiit na sa Escalante City police. (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.