4 na District Eng’r ng DPWH, Iniimbestigahan

SUMASAILALIM SA MASUSING imbestigasyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang apat na District Engineers sa Leyte kaugnay sa hindi maipaliwanag na yaman o unexplained wealth sa loob ng mahabang panahon na paninilbihan sa departamento.

Batay sa impormasyong nakalap ng Pinoy Parazzi sa isang DPWH insider, ang binabanggit na mga District Engineers ay kinabibilangan nina Engineer Corazon Berenguel ng Leyte I; Butch Bonifacio, Sub- District ng Tacloban City; Engr.Leo Pica ng Leyte III; at Engr. Maya Junia ng Leyte II.

Ayon sa pahayag ng impormante, bukod sa magagarang sasakyan ni Pica, nakapagpatayo pa ito ng bahay na hindi kukulangin sa P7-M sa Tolosa, Leyte samantalang ang kanyang tinatanggap na suweldo ay nasa P30,000 lang bawat buwan.

Maliban naman sa mga sasakyan at heavy equipment ni Junia, pinaniniwalaang siya rin ang may-ari ng mansion na nagkakahalaga ng P15-M sa Tolosa, Leyte .

Sina Berenguel at Bonifacio naman ay pinagbibintangan ng kanilang mga kasamahan na nangungumisyon sa mga kontraktor at nangongontrata raw umano sa mga project sa kanyang lugar na isa sa ipinagbabawal sa ilalim ng Saligang Batas.

Sa kasalukuyan, ang sinasabing reklamo sa apat na District Engineer ay nakabinbin sa opisina ni Undersecretary Jaime Pacanan at nasa masusing evaluation bago isampa sa Office of the Ombudsman o kaya sa Anti-Graft Commission sa Office of the President.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.