4 na Delinquent Firms, Tinukoy

NANAWAGAN SA mga employers ang isang big labor organization na maging regular sa pag-reremit ng contributions ng kanilang empleyado sa Social Security System (SSS).

Ayon kay Manny Arias, pangulo ng National Federation of Labor Unions (NAFLU), dapat pangalagaan ang social welfare ng mga pribadong emplyeado na kasapi sa SSS sa pagsunod sa Social Security Act. “Ngunit tila kabaligtaran ang nangyayari. Maraming private employers ang ‘di regular na nag-reremit ng employees’ contributions. Kadalasan, napapabalita na ang mga contributions ay napapa-sabulsa lang ng unscrupulous firms,” giit niya.

Binanggit ni Arias na ayon sa sources, ang ilan diumano sa mga employers na sinampahan ng kaso ng SSS dahil sa delinquent remittances ay ang Polaris Telecommunications (pag-aari ng isang Pablo Chui Soon), Alta Tiera Industries Inc., Ever Pacific Steel Industries at Dr. Guillermo Concepcion Clinic. Idinagdag niya na posibleng ang mga firms na ito ay nag-avail na ng 2009 one-time condonation. “Subalit naging tapat na ba sila sa pagbabayad. Nare-remit ba nila ang real-time premiums?”

Ayon sa record, mahigit na P1.9-B in remittances na ‘di binayaran sa SSS ay kinondon na. Ang malaking halagang ito ay makatutulong sana nang malaki para mapalawak pa ang benepisyo ng SSS members.

Samantala, sinabi ni Abraham Bio, pangulo ng Bagong Alyansa ng Manggagawang Pangtransportasyon para sa Edukasyon at Reporma (BAMPER) na matagal na silang nagpapanukala na mabigyan ng SSS coverage ang mga tsuper at kanilang pamilya. Subalit wala pang resulta hanggang ngayon.

“Malaking maitutulong sa kapakanan ng pribadong transport workers, mula tsuper hanggang konduktor ay magkamit ng social benefits sa SSS. Hanggang ngayon, hindi sila kasali sa mga SSS benefits dahil hindi kasapi. Sana’y dinggin ng mga mambabatas ang bagay na ito, dagdag ni Bio.

Pinahabol ni Arias na dapat tutukan ang pagbabayad ng SSS premium ng nasabing apat na kumpanya. “Sila ay madalas na nirereklamo ng kanilang empleyado sa bagay na ito. Ang SSS ay dapat ding mag-ulat ng progress report sa remittances ng nasabing firms.”

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.