4 na Carnapper, Tiklo Habang Nagbebenta ng Kotse

APAT NA pinaniniwalaang mga miyembro ng carnapping syndicate ang naaresto ng mga awtoridad, makaraang ialok sa halaga ang isang kotse na kulay puti na ginagamit bilang taxi sa Malolos City, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/ Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Eiron Joshua Estetaniez, 29,ng Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna; Junar Emeterio, 23, ng Brgy. Singko, Calamba, Laguna; Donna Paritan, 19; at isang Lorriane Alhambra, 25, ng Kalayaan, Makati City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maaktuhan ang mga suspek sa isang gasoline station sa Brgy. Tikay habang ibinebenta sa halagang P100,000.00 sa isa nilang buyer nang maaktuhan ng mga pulis.

Nabatid na may nakabinbing kaso sa lalawigan ng Cavite ang suspek kung saan kasong carnapping  ang kinakaharap nito. Samantala, nabawi naman ng mga awtoridad ang isang kulay puting Kia Rio Taxi na for registration. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.