4 na Carjacker, Patay sa Engkwentro

 

APAT NA hinihinalang carjacker ang nasawi sa engkwentro sa Don Pedro Reyes Avenue, Victoria Homes Village, Barangay Tunasan, Muntinlupa City.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nagkasa ng entrapment operations ang NCRPO Anti-Carnapping Unit sa Alabang Town Center at tila nakatunog umano ang mga salarin.

Nagkaroon pa ng habulan at sa nasabing lugar, napatay ang apat.

Unang bumulagta ang dalawang suspek at kasunod ang isa pa na nasa likuran. Naka-takbo naman umano ang isa pang natitirang suspek ngunit nabaril din ito.

Kinilala ang isa sa mga napatay na suspek na si Arnel Cangque, na residente ng Tondo, Maynila.

Narekober naman sa isang pulang Toyota Vios ang tatlong baril, apat na Type B uniform ng mga pulis, at mga pekeng plaka.

Napag-alaman na ang nasabing sasakyan ay may plakang nakarehistro sa isang Toyota Hilux.

Basag naman ang windshield ng van ng NCRPO dahil sa pagpapaputok ng mga salarin. Gayunman, walang nasugatan sa hanay ng mga awtoridad.

Samantala, ayon sa Muntinlupa Police, ang mga nasabing carjacker ay hinihinalang nasa likod ng talamak na carjacking sa Quezon City at iba pang panig ng Metro Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.