4 na Budol-Budol, Tiklo

ARESTADO ANG apat na katao makaraang makahingi ng tulong ang isang lola na umano’y nabiktima ng mga suspek na nagpakilalang mga balik-bayan na mula sa bansang China, sa Brgy. Poblacion, San Rafael Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rodolfo”Boy” Hernandez kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Margie Tero Y Gonzales, 48, tubong-Lucena City; Gina Lara; Alfred Velasquez; at Mar Co, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Teresita Nicolas Y Espiritu.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-10 ng umaga nang dumating ang grupo ng mga suspek, kung saan nagpanggap na Chinese national ang isa sa nga suspek. Nilansi ng mga suspek si lola,habang na-ngakong bibilhin ng mga ito ang mga nakatagong alahas sa halagang dolyar.

Nabatid na madaling nakumbinsi si lola, dahilan upang ilabas nito mula sa baul,ang iba’t ibang uri ng gintong alahas. Subalit makalipas ang ilang oras, walang dolyar na ibinayad ang mga suspek. Sa halip, bigla na lamang naglaho ang dalawa sa apat na suspek dala ang mga alahas na nagkakahalaga ng P90K.

Agad namang humingi  ng tulong sa mga pulis ang biktima, sanhi ng dagliang pagkakadakip sa mga suspek. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.