4 na Bata, Patay; 3 Sugatan sa Sagasa

PATAY ANG apat na bata habang malubhang nasugatan ang tatlong iba pa matapos masagasaan ng service vehicle ng Biliran Electric Cooperative (BILECO) sa Barangay San Isidro.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, pumutok ang gulong ng sasakyan malapit sa high school campus ng Biliran National Agricultural College kaya nasalpok ang mga bata, alas-9:00 Miyerkules ng gabi.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot sa Biliran Provincial Hospital ang tatlong bata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.