4 Menor, Tiklo sa Shabu

ISINAILALIM SA pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang apat na menor de edad matapos mahulihan ang mga ito ng Shabu at iba pang drug paraphernalia sa lalawigan ng Abra.

Isang 17-anyos ang naaresto sa Brgy Zone 7, Bangued, Abra dahil sa pagdadala nito ng dalawang plastic sachet ng .29 grams na Shabu, P1,000.00 cash, cellphone at iba pang drug paraphernalia.

Sa checkpoint sa Rizal Street corner Dangdangla-Cosli road ay nakumpiska sa 15-anyos ang caliber .25 na pistol na may tatlong bala, isang plastic sachet na 3.48 grams na Marijuana at iba pang drug paraphernalia.

Samantala, nadakip naman ang 16-anyos at 14-anyos na mga babae sa Mckinley Street corner Santiago St., Zone 5, Bangued, Abra dahil sa pagdadala ng mga ito ng 63 plastic sachets ng 149.7 grams na Marijuana, anim na cellphones at iba pang drug paraphernalia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.