4 katao sa Cebu, sugatan sa sunog

CEBU CITY – TINATAYANG nag-iwan ng apat na kataong sugatan ang nangya-ring sunog sa isang residential area sa Sitio Looban at Villa Gonzalo II sa Barangay Tejero, Cebu City kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nasugatan ay buntis na nagmamadali raw makalabas ng kanilang bahay nang maganap ang sunog.

Umabot sa general alarm ang nasabing sunog, kung saan mahigit sa 10 firetrucks ang nagtulungan upang maapula ang apoy, ayon sa pahayag ni Fire Marshall Anderson Comar.

Batay sa inisyal na im-bestigasyon ng mga bumbero, lumalabas na sa tangke ng liquified petroleum gas (LPG) ang pinagmulan ng sunog matapos itong sumabog sa bahay ng isang nagngangalang Melchor dela Cruz.

Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan sa naturang barangay.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang danyos ng nangyaring sunog at ang kabuuang bilang ng mga pamilya at residenteng apektado ng insidente.  (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.