4 Katao, Nalason Sa Butete

ISINUGOD SA pagamutan ang mag-iina matapos na malason sa kinaing butete.

Nakilala ang mga biktima na sina Rosario Nam-ay, 37, at mga anak na sina Rex at Nicole Nam-ay na pawang mga menor-de-edad at residente ng Madalag, Aklan.

Dinala sa Aklan Provincial Hospital ang mga biktima makaraang makaramdam ng panghihina, pagkahilo at pananakit ng tiyan matapos na kumain ng nasabing isda.

Nakalabas din naman kaagad ng ospital ang padre de pamilya na kinilalang si Reynaldo Nam-ay na nakaramdam din ng pagkahilo.

Sinasabing nahaluan umano ng butete ang nilutong isdang bulinao na inulam ng pamilya at maaaring hindi pa ito naluto nang mabuti.

Kasalukuyang hinihintay pa ang resulta ng laboratory test ng ospital para makumpirma kung ang kinaing isda ang naging sanhi ng kanilang pagkalason.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.