4 Katao, Nabiktima ng Stray Bullet sa Region 2

UMABOT NA sa apat na katao ang natamaan ng ligaw na bala at 42 katao ang naiulat na biktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Region 2.

Ayon sa pahayag ni Alan Sibal Information Officer ng DoH Region 2, sinabi nito na ang apat na biktima ng ligaw na bala ay mula sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Habang ang 42 biktima ng paputok ay mula sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya at wala namang naitalang naputukan sa lalawigan ng Batanes.

Karamihan sa mga bata ay nadisgrasya dahil sa paghawak sa inakalang hindi na puputok na firecrackers at maling pagsindi nito, dagdag pa ni Sibal.

Dahil dito, tuloy lamang ang kampanya ng DoH Region 2 na nagbabawal magpaputok sa mga bata para makaiwas sa disgrasya tuwing holiday season.

Pag-iibayuhin din ng mga kinauukulan ang pagsubaybay sa mga may baril na pagbawalang gamitin ito upang maiwasan ang may mabiktima ng ligaw na bala.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.