4 katao kabilang ang 2 bata, sugatan sa pananambang

SUGATAN ANG APAT katao kabilang ang dalawang bata nang tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na armado ng mataas na kalibreng baril sa Brgy. Payao, Batac City, Ilocos Norte.

Kinilala ni Ilocos Norte Police provincial Director Sr. Supt. Marlo Chan ang mga biktima na sina Michael Barroga, driver ng tricycle, mga pasahero na sina Shanaia Mikaela Maceda, 9, Kenning Louise Ann Maceda, 11, at Mary Rose de Jesus, guardian ng dalawa bata.

Hindi naman nasaktan ang dalawang pang bata na pasahero rin na sina Maxene Maceda, 8, at John Paul Maceda, 2.

Sa report ni Batac police chief, Supt. Reynaldo Tamundong, naganap ang pananam-bang alas 7:30 ng umaga kamakalawa kung saan galing ang mga biktima sa Maynila nang sumakay sa traysikel ni Barroga at magpapahatid sana sa kanilang bahay sa Brgy. Payao at habang binabagtas ang barangay road ay bigla na lamang sila pinagbabaril ng dalawang suspek na naka-bonnet.

Hinihinalang ang dryaber ng traysikel na si Barroga ang target ng mga suspek at nadamay lamang ang mga bat at ang kanilang yaya at pawang sa likurang bahagi ng kanilang katawan ang tama ng mga biktima na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa hindi binanggit na pagamutan.

Bagama’t may inimbitahan ang pulisya na isang lalaki na posibleng may kinalaman sa insidente subali’t hindi naman ito maituro ng mga biktima kung kaya’t pinakawalan na lamang subali’t patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.     (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.