4 katao, hinoldap sa fastfood 1 kritikal, judge sugatan

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang negosyante habang sugatan ang isang judge nang maholdap ang mga ito kabilang ang dalawa pang katao ng limang ‘di pa nakikilalang kalalakihan habang ang mga una ay kumakain sa isang restoran kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Inoobserbahan ngayon sa Manila Central University Hospital Caloocan City, sanhi ng tinamong tama ng bala ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Reynaldo Sayo, 40, negosyante, ng Camba St., Moriones, Tondo, Manila, habang ginagamot naman sa nasabi ring pagamutan si Judge Romeo Rabaca, ng MTC Branch 25, 62-anyos, ng No. 126 Del Mundo St., bunga ng tinamong tama ng bala sa ‘di mabatid na kalibre na baril sa kaliwang kamay.

Samantalang tinangay naman kina Evangeline Que, nasa hustong gulang, negosyante, ang P80,000 na halaga ng salapi at P70,000 naman na pera ang nakuha kay Gina Calupcupan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ng insidente sa loob ng Tony’s Fastfood and Restaurant na matatagpuan sa 8th Ave. Caloocan City.

Nabatid, kasalukuyang kumakain ang mga biktima sa naturang restoran nang biglang pumasok ang limang suspek na armado ng baril saka nagdeklarang holdap.

Dito, pinadapa ang mga biktima at isa-isang kinapkapan ang mga ito, nang makita ang malaking halaga ng salapi kina Cupcupan at Que ay kinuha, ganun din kay Judge Rabaca, kinuha ang .45 kalibre na baril at cellphone, habang pinagbabaril si Sayo nang tumanggi itong ibigay ang kanyang motorsiklo.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek sa ‘di malamang direksyon habang agad naman dinala sa nasabing pagamutan sina Rabaca at Sayo samantalang tumungo naman sa nasabing himpilan ng pulisya sina Cupcupan upang ipagbigay-alam ang nabanggit na insidente.

Isang follow-up investigation naman ang isinagawa ng Caloocan police para sa agarang pagkakakilanlan sa mga suspek at ikadarakip sa mga ito.   (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “4 katao, hinoldap sa fastfood 1 kritikal, judge sugatan

  1. MAYOR ng Iba, Zambales na si ATTY AD HEBERT DELOSO, NANGBATO NG CLUTCH BAG NA MY LAMANG BARIL SA LOOB. pinangalanang Silverio ang kawawang tauhan ni mayor na taga Sto. Rosario Iba, Zambales, ang dahilan ay nadulas ang bibig ng tauhan na maikwento sa babae ni mayor na si Irish michelle Briones na taga Sta. Barbara na kapag di nakakauwi si mayor sa kanya Sa sta. Barbara ay sa ibang bahay ng mga babae ni mayor siya natutulog. GALIT NA GALIT si BRIONES at sumugod sa opsina sa MUnisipyo ng Iba at isinumbong kay MAYOR DELOSO, nagalit ang Mayor at pinatawag ang kawawang SILVERIO at pag akyat pa lang ng biktima ay binato na ito agad ni MAYOR sa harap ng mga secretary nya at ni BRONES.
    TULAD NI MAYOR SARA DUTERTE NANAKIT DIN SO MAYOR AD HEBERT DELOSO ANG KAIBAHAN LAMANG NILA SI MAYOR DUTERTE NANAPAK DAHIL AYAW MAGKAROON NG DEMOLITION AT MAY MASAKTAN NA RESIDENTE, SI ATTY DELOSO PARA LANG MAPAGTAKPAN ANG SOBRANG PAMBABAE NYA..KAWAWANG MGA TAGA IBA, GINAWANG PALAHIAN NG DELOSO ANG BAWAT KADALAGAHAN SA BAWAT BARANGAY NG IBA, ZAMBALES.

Leave a Reply

Your email address will not be published.