4 Katao, Arestado sa Pagkatay ng Pawikan

NAHAHARAP SA KASONG paglabag sa RA 9147 o Wildlife Protection Act ang apat na katao matapos maaktuhang nagkakatay ng pawikan o sea turtle sa Brgy. Biduang, Pamplona, lalawigan ng Cagayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Tony Burgos; Molong Kolasing; at ang magkapatid na Julio at Hilario Cardenas, pawang residente ng nabanggit na lugar.

Nagpapatrolya ang mga pulis nang makatanggap sila ng sumbong na mayroong nagkakatay ng pawikan sa lugar kung kaya’t agad silang rumesponde.

Ayon kay S/Insp. Edgar Unista, hepe ng Pamplona PNP, kinumpiska nila ang apat hanggang limang kilo ng karne at itlog ng pawikan na nakatakda sanang ibenta ng mga nasabing suspek.

Una rito, nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mamamayan na nakakahuli ng mga ganitong uri ng mga hayop na ipasakamay sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at huwag katayin dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng ating batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.