4 Holdaper, Patay sa Shootout

PATAY ANG apat na miyembro ng notoryus na robbery/ holdup gang makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Mexico, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ni PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang isa sa mga nasawi na si Gider “Den-Den” de Leon, lider ng gang na sangkot din sa iligal na operasyon ng bawal na gamot, carnapping at gun-for-hire.

Sa ngayon, ang iba pa sa mga napatay na holdaper ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Nangyari ang shootout bandang alas-5 ng umaga sa Anao-San Jose Molino Road sa Barangay Anao matapos na tangkain ng apat na lumusot sa inilatag na checkpoint.

Ang apat na holdaper ay lulan ng tatlong motorsiklo na tumangging magpa-inspeksyon sa mga awtoridad na nagbabantay sa checkpoint kung saan nagpaputok pa ng baril kaya sumiklab ang shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa naganap na palitan ng putok ay magkakasunod din na bumulagta ang apat habang wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.