4 Holdaper, Kalaboso; 1 Sugatan sa Engkwentro

ARESTADO ANG apat na mga hold-up men sa Bariga, Banate, Iloilo matapos makasagupa ang mga pulis.

Ayon kay Supt. Robert Rodriguez, hepe ng Regional Special Operations Group (RSOG) at ng Regional Intelligence Office ng Police Regional Office 6 (PRO6), nakatanggap sila ng impormasyon na isang delivery ng grocery items sa mga tindahan at nagpapautang sa mga malalayong barangay ang target ng mga hold-up group.

Dahil dito, tinugaygayan ng pulis ang grupo hanggang sa maka-engkwentro ang hold-up group at nagkabarilan.

Ayon sa opisyal, nagbanta pa ang isa sa apat na mga hold-up men na magpasabog ng granada kaya’t binaril na lamang ito ng kanyang tauhan.

Umabot lamang sa sampung minuto ang habulan bago nahuli ang tatlong iba pa na mga suspek. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.