4 Hijackers, Patay sa Shootout

APAT NA hinihinalang miyembro ng notoryus na hijacker ang nasawi makaraang masangkot sa gun running battle kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.

Dalawa sa mga napaslang ay kinilalang sina Roberto Rio Y Gangaso at Jun Castillo Y Balmaceda.

Sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, alas 4:15 ng madaling-araw nang maganap ang engkuwentro sa San Roque, Sto. Tomas, Batangas.

Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr. na bago ang engkuwentro ay nakatanggap na ng tip ang Batangas Police mula sa Calamba City Police Station kaugnay sa hijacking sa Barangay Turbina, kung saan sangkot ang mga armadong lalaki na lulan ng kulay puting van.

Dito pinaigting ang pagbabantay sa mga checkpoint hanggang sa masabat ang grupo nina Rio at Castillo subalit hindi huminto at sa halip ay nagpaputok na nauwi sa tugisan.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ang dalawang baby armalite, dalawang cal. 45, isang Hyundai Starex Van at ilang karton ng CDO products na kanilang hinaydyak. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.