4 Ex-Traffic Enforcers, Tiklo sa Kotong

NATIMBOG ANG apat na dating traffic enforcers matapos kotongan ang isang motorista sa C-5 Road, Bagumbayan, Quezon City.

Kinilala ang mga salarin na sina Eduardo Sileteria, Raymond Liwag, Eduardo Jobes at Bernard Medina.

Nabiktima ng mga sa-

larin si Dorothy Joya Ricalde na kanilang pinara dahil sa umano’y paglabag sa batas-trapiko.

Ngunit sa halip na tiketan ang biktima ay hiningan nila ito ng P700.

Kaya nagdesisyon si Ricalde na magsumbong sa Quezon City Police District (QCPD) na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na suspek.

Samantala, nahaharap ang mga salarin sa kasong robbery extortion at usurpation of authority.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.