4, Dakma sa Pot Session

APAT NA katao ang naa-resto ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station Anti Illegal Drugs (SAID) habang aktong sumisinghot ng Shabu sa loob ng isang bahay sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Fortunato Ty Ecle, SAID Chief ng Caloocan City Police Station ang mga naarestong suspek na sina Ambrocio Perz, 50, may-asawa, ng # 9 Urbina St., Potrero, Malabon; Fedirico Tolibas, 35, binata, driver residente ng # 326 Chico St., Brgy. 142, Caloocan City; Agusto Ontoy, 48, binata; at ang live-in partner nito na si Charito Modesto, 49, na parehong nakatira sa Gen. Tinio St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay Ecle, bandang alas-9:30 ng gabi nang maaktuhan ng kanyang mga tauhan ang apat na suspek na sumisinghot ng Shabu sa loob ng live-in partner sa nasabing lugar.

Nabatid na ilang residente sa naturang lugar ang magkakasunod na tumawag sa tanggapan ng SAID at inirereklamo ang palaging pagkakaroon umano ng “pot session” sa nasabing bahay.

Kaagad namang ipinag-utos ni Ecle sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng surveillance laban kina Ontoy at Charito at nang maging positibo ang sumbong ay kaagad na sinalakay ang bahay ng live-in partner at akto namang may nagaganap na pot session.

Ang apat na suspek ay kaagad na inaresto kung saan nakumpiska sa mga suspek ang dalawang aluminum foil, 2 lighter at iba pang Shabu paraphernalia.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.