4 Dakip sa Pot Session

HINDI NA nagawang makatakas pa ng apat na katao kabilang ang isang babae matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang  bahay kung saan isinasagawa ang isang pot session sa Brgy. San Martin, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valines kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Michael Feliciano, 34; Ceasar Santos, 30; Liza Papa, 38; at Jimwell Caacbang, 34, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas -4:30 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono si SPO1 Junsay mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na paghitit ng droga sa loob ng tahanan ni Liza.

Nabatid na matagal nang nagaganap ang paggamit ng droga sa nabanggit na bahay, kung saan marami na rin ang reklamo rito.

Kasabay nito, nakumpiska mula sa mga suspek ang isang gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa San Jose del Monte City Jail habang iniha-handa ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY  DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.