4 carnappers, bumulagta

PATAY ANG apat na lalaking hinihinalang carnappers makaraang makaengkwentro ang pulisya at Highway Patrol Group  sa Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-1:45 ng madaling-araw nang magsagawa ng operasyon ang Meycauayan Police at Task Force Limbas sa Bgy. Ibay, kung saan naaktuhan ang mga kawatan na nagkakalas ng isang kulay puting Honda Civic na may plakang NOA 153 sa Muralla Park.

Gayunman, agad nagpaputok ang mga suspek at tangkang tatakas sana pagkasakay sa naturang sasakyan.

Dalawa sa mga suspek ang dead on the spot habang nasawi habang ginagamot ang dalawang iba pa.

Nakuha sa loob ng sasakyan ang isang Ingram machine pistol na may bala, tatlong cal, 45 pisto, basyo ng bala, license PN NHI 625 na nasa loob ng sasakya, BPI Atm Card ni Pablo Baguiwer na nasa compartment ng sasakyan, copy ng release order ni Napoleon Salamat, License ID ni Eduardo Lopez na tumutugma sa description ng isang Rolando Talban.

Sa pagsisiyasat, isa sa mga napaslang ay tumutugma kay Napoleon Salamat na miyembro ng Dominguez brother carnapping group na itinurong responsable sa pagpaslang kay Venson Evangelista at Emerson Lozano noong January 2011.

Nabatid pa na ang narekober na sasakyan ay pag-aari ng HB Fullers Philippines.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.