4-Buwang Buntis, Inatado ng Ex-BF

PINAGHAHANAP NA ng pulisya sa bayan ng Tantangan, South Cotabato ang suspek sa pananaksak sa buntis at dating kasintahan nito.

Base sa report, apat na buwang buntis ang biktimang si Jean Lagos, 17-anyos, at residente ng Barangay Libas, Tangtangan, South Cotabato.

Nais umano ng ex-boyfriend nito na kinilala lamang sa pangalang alyas Toto na panagutan ang batang dinadala ng kanyang ex-girlfriend ngunit ayaw ng mga magulang ng babae dahil kapwa menor de edad at nag-aaral pa ang dalawa.

Nagtungo umano ang salarin sa bahay ng biktima at nang hindi pumayag ang mga magulang ng babae sa plano nito, kanyang inundayan ng saksak ang dating nobya.

Masuwerte na lamang at sa likod tinamaan ang nasabing biktima na sa ngayon ay nananatili pa rin sa South Cotabato Provincial Hospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.