4 Bayan at Isang Lungsod, Mahigpit na Babantayan ng Bulacan PNP

MAHIGPIT NA binabantayan sa pamamagitan ng pag-deploy ng mas maraming mga pulis ang isang lungsod at apat na bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ang kinumpirma  ni Supt. Fitz Macariola, operations branch chief ng Bulacan Police Provincial Office, sa Pinoy Parazzi. Kabilang dito ang mga bayan ng Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Rafael, at San Miguel, at ang lungsod ng San Jose del Monte.

Aniya, “Ang basis kung bakit kami nagpapadala ng maraming tropa o binibigyan namin ng pansin, dahil sa history ng pagkakaroon ng kaguluhan sa panahon ng halalan. Ang mga nabanggit na area ay talagang pong maiinit ang tunggalian ng mga pulitiko.”

Isinama na rin sa listahan ang Doña Remedios Trinidad sa mga binabantayan nang maigi ng kapulisan dahil sa layo nito at pinangangambahang may armed group dito na namamayagpag.

Ang kuwalipikasyon ng mga bayan na isinama sa babantayan ay ang present situation, political rivalry at intense political rivalry, ayon pa kay Macariola.

Idinagdag pa ng opis-yal na pang-number 2 o 3 ang Bulacan sa may pinakamaraming nakumpiskang loose firearms sa Region 3 na bumilang ng 85 at 124 kataong nahuli mula noong January 13 nang mag-umpisa ang Election Gun Ban.

Sa mismong araw ng halalan, ikakalat ng Bulacan PNP ang nasa 1,200 nitong mga kapulisan at 200  Armed Forces of the Philippines personnel sa buong lalawigan.

“In behalf po sa ating Chief PNP Alan Pruisma, sa ating Regional Director Chief Supt. Edgardo Ladao, at sa aming provincial director Sr. Supt. Joel Sabio Orduña, kami po, ang PNP, kasama na rin ang AFP ay sumusuporta sa lahat po ng effort ng Comelec para sa matagumpay na pagdaraos ng halalan nga-yong 2013.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.