4 Barangay sa Iloilo, Nasa State of Calamity

BINIGYAN NG go signal ng Iloilo City Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamunuan ng apat na barangay sa Lungsod ng Iloilo na nasunugan kasabay ng highlight ng Dinagyang Festival 2012 sa selebrasyon ng pista ni Santo Niño na magdeklara ng state of calamity.

Ang mga nasabing barangay na ito ay kinabibilangan ng Brgy. Tanza Timawa Zone II na may 51 na pamilya o 225 na mga indibidwal na apektado; Brgy. Malipayon na may 85 pamilya

o 425 na mga indibidwal na apektado; Brgy. Tanza Esperanza na may 225 na pamilya o 1,125 katao at Brgy. Mabolo- Delgado, lahat ay nasa city proper area ng naturang lalawigan.

Ayon kay Atty. Ferdinand Panes, director ng Iloilo City DILG, iminungkahi nito sa mga opisyal ng mga apektadong barangay na magsagawa ng special session at ideklara ang state of calamity para magamit ang kanilang calamity fund.

Ipinaliwanag din ng opisyal na hindi maaaring magdeklara ng state of calamity ang city government dahil hindi umaabot sa limang porsiyento ang populasyon ng apektado ng sunog.

Tiniyak naman ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na magbibigay ang city government ng financial assistance sa mga naapektuhang pamilya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.