4-Anyos, Nabaril ng 7-Anyos na Utol

PATAY ANG isang 4-taong gulang na bata matapos aksidenteng mabaril ng 7-taong gulang niyang kuya sa Bantayan Island, Cebu.

Lumalabas sa report, nilalaro ng kuya ang isang kalibre .45 baril sa loob ng kuwarto ng kanilang magulang nang mabaril nito ang kapatid.

Tinamaan sa bibig ang bata at hindi na umabot ng buhay sa Bantayan District Hospital.

Sinabi ng Bantayan Police na mariing itinatanggi ng magulang ng mga bata na pag-aari nila ang baril.

Nasa custody na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakabaril na bata.

Samantala, tumatanggi namang magkomento ang mga magulang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.